E-Gramatika: Tugon sa Paggamit ng mga Salitang Gen Z sa Akademikong Sulatin ng mga Mag-aaral sa Batangas City South Senior High School
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo./zenodo.20491733Keywords:
e-gramatika, Gen Z slang, akademikong sulatin, internet lingo, gramatika, bantas, pagbabaybay, pagtatayaAbstract
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “E-Gramatika: Tugon sa Paggamit ng mga Salitang Gen Z sa Akademikong Sulatin ng mga Mag-aaral sa Batangas City South Senior High School” ay naglalayong matukoy ang lawak ng paggamit ng mga salitang Gen Z sa akademikong sulatin ng mga mag-aaral at ang epekto nito sa kanilang kasanayan sa wastong paggamit ng wika, partikular sa gramatika, pagbabaybay, at paggamit ng mga bantas. Layunin din nitong masuri ang bisa ng E-Gramatika bilang isang makabagong kagamitang panturo sa pagpapaunlad ng kasanayan sa akademikong pagsulat.
Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong disenyo at kwantitatibong pamamaraan ng pananaliksik. Kabilang sa mga kalahok ang 45 mag-aaral ng Baitang 12 HUMSS sa Batangas City South Senior High School sa Taong Panuruan 2025–2026. Ginamit ang talatanungan at pagsusulit na binuo ng mananaliksik (teacher-made test) upang masukat ang kasanayan at pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng wika at sa E-Gramatika.
Batay sa mga resulta, ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng gramatika, pagbabaybay, at mga bantas ay nasa antas na Sumasang-ayon. Ipinakikita nito na may sapat silang kasanayan, ngunit kailangan pa itong higit na paunlarin, lalo na sa pagsusuri at pagwawasto ng sariling sulatin. Natuklasan din na may positibo at negatibong epekto ang paggamit ng mga salitang Gen Z sa akademikong pagsulat. Bagama't nakatutulong ang mga ito upang maging makabago ang pagpapahayag, maaari rin nilang mabawasan ang pormalidad, wastong paggamit ng bokabularyo, at katumpakang gramatikal ng mga sulatin. Samantala, lumabas sa pag-aaral na ang E-Gramatika ay isang kapaki-pakinabang na kagamitang panturo na nakatutulong sa pagpapaunlad ng bokabularyo, kumpiyansa, at kasanayan sa pagsulat. Gayunpaman, kabilang sa mga hamong kinakaharap sa paggamit nito ang pagkakaiba-iba ng antas ng kasanayan sa teknolohiya at ang limitadong akses sa internet.
Sa kabuuan, ipinakikita ng pag-aaral na ang E-Gramatika ay isang makabagong kagamitang maaaring gamitin upang matugunan ang mga hamong dulot ng paggamit ng mga salitang Gen Z at higit na mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa akademikong pagsulat. Inirerekomenda ang angkop na paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng wastong gramatika, pagbabaybay, at pagbabantas upang mahubog ang mga mag-aaral na maging mas mahusay at responsable sa paggamit ng wikang Filipino sa mga akademikong gawain.
References
Abad, M. A., & Ruedas, P. O. (2020). Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo. National Book Store.
Arbon, B. S., Garcia, M. A., & Santos, J. D. (2021). Epekto ng social media sa paraan at estilo ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Holy Angel Research Archives, 9(1), 45–58.
Asmad, L., Villanueva, R., & Ramos, K. (2024). Mga estratehiyang pinakaginagamit sa pagsulat sa Filipino ng mga mag-aaral ng batsilyer ng sekundaryang edukasyon sa pampamahalaang humanities and social science. Journal of Philippine Education and Society, 12(2), 112–125.
Bugtong, E. B., & Demot, D. B. (2021). Hanap-salita: Pagbabaybay sa wikang Filipino [Unpublished master’s thesis]. Baguio Central University Graduate School.
Dicang, V. J. P., & Molina, H. B. (2023). Mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa makrong kasanayan sa pagsasalita [Unpublished master’s thesis]. Baguio Central University Graduate School.
Dunn, M. (2021). The challenges of struggling writers: Strategies that can help. Education Sciences, 11(4), Article 165. https://doi.org/10.3390/educsci11040165
Gime, A., & Macascas, C. (2020). WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa Pilipinas. International Journal of Research Studies in Education, 9(7), 81–92. https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5812
Lausa, M. R., Leopoldo, D. R. S., & Dabalos, L. J. C. (2024). Mga hamon ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa senior high school [Research report]. Misamis University, College of Education.
Lartec, N., & Perez, G. (2022). Kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral. Anvil Publishing.
Mandado, J. O., & Varona, F. (2022). Elektronikong kagamitang linangan sa integratibo tungo sa kasanayan (E-KLIK) sa malikhaing pagsulat sa Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 11(3), 51–64. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.b350
Niduaza, J. (2021). Modyul sa pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Taguig City University.
Nirban, V. S., & Dosaya, S. T. (2020). Factors extraction of effective teaching-learning in online and conventional classrooms. International Journal of Information and Education, 10(2), 140–145.
Palma, E., Dela Cruz, S., & Gomez, M. (2020). Pananaliksik sa isyu at suliranin sa pag-unawa sa pagbasa at kakayahan sa pagsulat ng mga mag-aaral [Research report]. Jesus Is Lord Colleges Foundation.
Pulanco, R. S., & Catungal, M. C. (2021). Antas ng kasanayan ng mga Grade 12 sa pagsulat ng liham pangangalakal tungo sa pagbuo ng isang patnubay [Unpublished action research]. Department of Education.
Republic Act No. 10533. (2013). Enhanced Basic Education Act of 2013. Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2013/ra_10533_2013.html
Sombrero, J. L. D. (2021). Kabisaan ng modyular na nagtuturo ng wika at panitikan sa panahon ng pandemya. Anvil Publishing.
Department of Education. (2020a). DepEd Memorandum No. 86, s. 2020: Guidelines on the use of digital learning resources and learning continuity tasks. Department of Education, Philippines.
Department of Education. (2020b). DepEd Order No. 32, s. 2020: Guidelines on the engagement of services of Learning Support Aides. Department of Education, Philippines.
Department of Education. (2020c). K to 12 curriculum guide: Senior High School Filipino. Department of Education, Philippines.
Department of Education. (2025). DepEd Memorandum No. 064, s. 2025: ARAL Program implementation guidelines. Department of Education, Philippines.
Downloads
Published
Issue
Section
License

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.