Paggamit ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa Filipino 4: Batayan sa Pagbuo ng Mapamaraang Kagamitang Pang-Interbensiyon
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.22931590Keywords:
Kasanayang Pampagkatuto, Filipino 4, Kagamitang Pang-interbensiyonAbstract
Ang pananaliksik na ito ay masusing binuo ng mga manunulat upang suriin at inisa-isa ang mga mahahalagang kasanayan sa ilalim ng MATATAG kurikulum. Nilayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga kasanayang pampagkatuto, maipaliwanag nang maayos ang mga estratehiya sa pagtuturo, maisa-isa ang mga suliraning nararanasan ng mga guro sa pagsasakatuparan nito, at makabuo ng isang epektibong kagamitang pang-interbensiyon upang tugunan ang mga natukoy na pangangailangan. Upang maisakatuparan ang mga layuning ito, gumamit ang mga manunulat ng deskriptibong disenyo ng pananaliksik kung saan ang mga pangunahing kalahok ay mga guro. Ang mga kinakailangang datos ay tahasang itinala sa pamamagitan ng paggamit ng mga talatanungan, kasama na rin ang malawakang pangangalap ng mga kaugnay na impormasyon mula sa internet, mga aklat, mga nailathalang tesis, at mga disertasyon. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, lumabas na ang kasanayang pampagkatuto ay may markang 3.39 na nagpapakita ng mataas na antas ng pagkatalakay, ang estratehiya sa pagtuturo ay nakakuha ng 3.17 na naisasagawa, habang ang mga suliranin ay may markang 2.29 na nagpapakitang ito ay bahagyang nararanasan lamang ng mga tagapagpadaloy ng klase. Sa pangkalahatan, pinatunayan ng kongklusyon ng pag-aaral na lubos na nauunawaan ang mga tekstong naratibo at madaling naiuugnay ang kaisipan ng akda sa sariling karanasan ng mga mag-aaral. Bukod dito, napatunayan ding nagiging mabisang daan sa pagkatuto ang pagbabalitaan at ang aktibong pagbuo ng mga ideya, sa kabila naman ng mga kinakaharap na balakid tulad ng kakulangan ng oras para sa klase na nangangailangan ng karampatang pansin at aksyon mula sa mga kinauukulan.
References
A. Mga Aklat
Ariola, M. M. (2019). Principles and methods of research (2nd ed.). Rex Book Store.
Corpuz, B. B., & Salandanan, G. G. (2015). Principles of teaching 1 (2nd ed.). Lorimar Publishing, Inc.
Department of Education. (2016). K to 12 curriculum guide: Filipino (Grades 1 to 10).
B. Tesis at Disertasyon
Acuna, A. A., et al. (2015). Ang pagtuturo ng Filipino sa K-12 kurikulum [Unpublished undergraduate thesis]. Pambansang Pamantasan ng Batangas.
Bautista, D. B. (2004). Ang pagtuturo ng Filipino sa mga ekstensyon kampus ng Pambansang Pamantasan ng Batangas, Lunsod Batangas [Unpublished master's thesis/dissertation]. Pambansang Pamantasan ng Batangas.
Castro, M. R. (2024). Pagtatasa ng pagpapahayag sa Filipino: Batayan sa pagbuo ng suplemental na kagamitan [Unpublished master's thesis/dissertation]. Pambansang Pamantasan ng Batangas.
Contreras, J. E. I., et al. (2007). Ang pagtuturo ng Filipino sa ilang piling paaralang elementarya sa Distrito ng Lobo [Unpublished undergraduate thesis]. Pambansang Pamantasan ng Batangas.
De Guzman, H. A. D. (2023). Pagtuturo ng Filipino sa mga pampublikong paaralanng integrado tungo sa pagbuo ng kagamitang panturong lokal [Unpublished master's thesis/dissertation]. Pambansang Pamantasan ng Batangas.
De Leon, N. C., et al. (2004). Ang pagtuturo ng Filipino sa makabagong kurikulum sa publiko at pribadong paaralang sekondarya sa Lunsod Batangas [Unpublished undergraduate thesis]. Pambansang Pamantasan ng Batangas.
C. Elektronikong Sanggunian
Mga estratihiya sa pagtuturo ng Filipino. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/document/469582700/Mga-estratihiya-sa-pagtuturo-ng-filipino
Kabanata 1 panimulang kaalaman sa kagamitang panturo. (n.d.). PDF Coffee. https://pdfcoffee.com/kabanata-1-panimulang-kaalaman-sa-kagamitang-panturo-pdf-free.html
Pagtuturo sa Filipino. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/document/520531258/pagtuturo-sa-Filipino
Mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/document/374148057/Mga-Suliranin-Ng-Mga-Guro-Sa-Pagtuturo-Ng-Filipino
Downloads
Published
Issue
Section
License

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.