Mga Diasporikong Salaysay ng mga Taga-Dulay: Pangwawasak ng Marawi Siege, Paglikas, at Pagbangong Muli
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.16821734Keywords:
Diasporikong Salaysay, Meranaw, Dulay, Pagwasak at Pagbuo, Marawi SiegeAbstract
Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay naglalayong makalap ang mga personal na salaysay ng tatlumpu’t pitong Internally Displaced Persons (IDP) na mga Meranaw sa Dulay, Marawi, na lumikas dulot ng Marawi siege noong Mayo 23, 2017. Sa pamamagitan ng mga panayam na gumamit ng mga iskala ng metodong indihenus at sa gabay ng lenteng pagwasak at pagbuo, tinugon nito ang mga layunin na maisalaysay ang diasporikong karanasan sa panahon ng pagwasak, paglikas, at pagbangon; maitanghal ang kalagayan ng kabuhayan, pamilya, at pananampalataya; at mailarawan ang konsepto ng bagong pamumuhay.
Lumabas sa mga datos na ang magagandang alaala sa dating tahanan ay napalitan ng mga nawasak, sira, at sunog na bahay, gusali, paaralan, at masjid. Nakaranas ng matinding hirap sa buhay ang mga IDP sa panahon ng paglikas at nang madiskubreng hindi na sila makabalik sa kanilang mga dating lupain, kaya't napadpad sila sa Dulay. Sa kabila ng mga trahedya, hamon, at malayo sa maingay na lungsod, hinarap nila ang bagong pamumuhay nang may katatagan. Pinatingkad ng pag-aaral na nanatiling buo ang pagpapahalaga sa pamilya at mga kaanak, gayundin ang matibay na pananampalataya sa Dakilang Lumikha sa gitna ng mga guho, na nagsilbi ring mahalagang paalala sa kahalagahan ng kapayapaan.
References
Ambung, N., et al. (2019). The Marawi siege aftermath: Living conditions and coping strategies of internally displaced persons (IDPs) in Sagonsongan, Marawi City, Lanao del Sur [Undergraduate thesis, Mindanao State University].
Angeles, M. A. (2019). Filipino ng Lahi 10. DIWA Learning System, Inc.
Burias, L. (2014). Philippine diaspora literature: Home as a diasporic residual image in selected creative nonfiction [Master's thesis / Doctoral dissertation, MSU-Iligan Institute of Technology].
Cabugatan, N., & Oder, J. (2019). The socio-economic outcome of Marawi siege as perceived by selected evacuees in Municipality of Saguiaran, Lanao del Sur [Undergraduate thesis, Mindanao State University].
Fonbuena, C. (2023, February 8). Marawi buildings’ ten-billion price tag ready but empty. Philippine Center for Investigative Journalism. https://pcij.org/article/9859/marawi-buildings-ten-billion-price-tag-ready-but-empty
Gallardo, F. (2022, May 24). Displaced Maranaos give up on Duterte, ask Marcos to ‘clean up mess.’ The World News. https://theworldnews.net/ph-news/displaced-maranaos-give-up-on-duterte-ask-marcos-to-clean-up-mess
Gervacio, G. (2014). Sandosenang Sendong: Ang talinghaga ng pagwasak at pagbuo [Master's thesis / Doctoral dissertation, MSU-Iligan Institute of Technology].
Macalangcom, R. (2013). Study on the migration patterns of Meranao in Dumaguete City [Undergraduate thesis, Mindanao State University].
Noor, N. H. (2018). Karanasan ng mga kabataang babaeng Meranaw na bakwit sa evacuation center ng Campong Pantar, Lanao del Norte [Undergraduate thesis, Mindanao State University].
Pe-Pua, R. (1989). Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo at gamit. University of the Philippines Press.
ReliefWeb. (2018, March 8). DROMIC Report #100 on the armed conflict in Marawi City. https://reliefweb.net
Rocina, J. A. (2021). The diaspora and socio-economic roles of Muslim migrants in the city of Dasmariñas, Philippines. International Journal of Islamic Thought, 19, 57–69. https://doi.org/10.24035/ijit.19.2021.193
Suson, D. (2021, October 20). Still homeless in Marawi. Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/1504030/still-homeless-in-marawi
Downloads
Published
Issue
Section
License

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.