Pagtanggap sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Akdang Tula sa Filipino sa Panahon ng Digital na Teknolohiya
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.20337612Keywords:
pagtanggap, tula, digital na teknolohiya, interes, pag-unawa, FilipinoAbstract
Binigyang-diin ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa pagbasa ng tula sa Filipino sa gitna ng panahon ng digital na teknolohiya, kung saan tinukoy nito ang epekto ng makabagong midya sa kanilang pananaw, interes, kasanayan sa pag-unawa, at mga balakid sa pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng palarawang disenyo ng pananaliksik.
Ipinakita sa mga resulta na mataas ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa pagbasa ng tula sa Filipino, lalo na kapag ito ay nasa digital na anyo, kung saan nakatutulong ang internet sa pag-unawa ng mga malalalim na salita at ang mga digital na sanggunian ay mabisang kasangkapan sa paglinang ng malikhaing interpretasyon. Gayunpaman, lumitaw din na ang teknolohiya ay maaaring magdulot ng distraksiyon sa oras at atensyon ng mga mag-aaral, kasama na ang kakulangan sa angkop na kagamitang pampanitikan, bagamat nanatiling positibo ang kanilang pananaw sa tula bilang daluyan ng damdamin at pagpapahalaga sa wika. Bilang tugon sa mga natuklasang ito, bumuo ang mananaliksik ng isang planong interbensyon upang higit na mapabuti ang interes at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pagbasa ng tula sa Filipino.
References
Medina, M. A. D. (2026). Pagtanggap sa pagbasa ng mga mag-aaral sa akdang tula sa Filipino sa panahon ng digital na teknolohiya. Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields, 2(6), 205–209. https://journals.aloysianpublications.com
Downloads
Published
Issue
Section
License

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.